Mag-ingat sa Pekeng E-cards
Maliban sa mga pekeng e-cards, meron pang ibang uri ng phishing scam sa internet. Makatutulong ng malaki kung ikaw ay may kaalaman sa mga ito. Kung sakali mang “makasalubong” mo ang ganitong mga estilo, alam mo na ang iyong gagawin. Sa ganoon, mananatili kang ligtas sa ibat-ibang paraan ng panloloko.
Kung ikaw ay naghahanap ng trabaho gamit ang mga online ads, umiwas sa mga nanghihingi ng iyong mga personal na impormasyon. Marami sa mga cyber criminals ang nagtatago sa likod nga mga legal na job sites para lamang magmukhang tunay din sila. Ang iba sa kanila ay gumagamit pa ng mga sikat na logo o ng mga salitang nakapanghihikayat nang sa ganoo’y makuha ang iyong atensyon. Malalaman mo na lang na peke pala ang mga links na kanilang ginagamit. Kapag pinindot mo ang mga ito, dadalhin ka lamang sa website ng isang kompanyang animo’y totoo, subalit wala palang ganoon.
Kung hindi manghihingi ng iyong personal na impormasyon, meron namang pagbabayarin ka kapalit ng isang serbisyo. Marami nang naging biktima ng ganitong estilo at sa katunayan, dumarami pa ang naloloko. Pagkatapos magbayad, saka palang nila malalamang wala naman palang ganoong klaseng serbisyo. Mahirap pa naman silang mahuli dahil biglang “nagsasara” ang kanilang kompanya at hindi mo na sila mahahagilap.
Tags: Credit Card Fraud, Crime, Criminals, Internet Crime, Internet Privacy, sophisticated criminals
